Sa Kalye sa Binuangan (SAMPLE BLOG by Yves)


Sa Kalye sa Binuangan

“That which doesn’t kill us makes us stronger.”
- Friedrich Nietzsche

                                                                                    Huwag kang matakot

Sa Kalye sa Binuangan, napakaingay. The life unfolds in a variety of forms: puno ng tao, siksikan, mainit, makulay, at mahirap sa ilang pagkakataon. Bawat sulok ay puno ng paninda: mga prutas na fresh from Obando market, mga gulay, at kung ano-ano pa. At wait, there's more! Puno pa ng ukay-ukay at mga tantalizing servings of food mula sa karinderya o kaya naman ay dun sa ihawan — kay sarap!

May chika ako: may kapitbahay kami, si Tita Irene, na kilala sa kanyang “maingay” na personalidad, parang “Karen”  sa ibang bansa. Kapag malikot siya, talagang maririnig ang kanyang boses! Kapag may nakita siyang mali, tiyak na lagot ka, kakabahan ka’t magtatago na. Isang testamento ng kanyang tibay, talagang nalampasan niya ang lahat ng mga hamon sa buhay, narinig ko kasi, ilang beses na siyang naloko ng lalaki, pero at least, ‘di ba? Ang kwento ng kanyang pagsisikap ay nakaukit sa bawat wrinkles ng kanyang mukha.

Nariyan din si ka-Arman, isang kilalang negosyante sa barangay. Siya ang nagmamay-ari ng isang malaking sari-sari store. Kala mo lang sari-sari store lang yan, pero wag kayo, ang yaman niyan! Iba’t ibang kulay ang makikita mo sa loob ng tindahan. Talaga namang sari-sari at makulay, abundant? Pero sa likod ng lahat ng tagumpay na ito, mayroong mahabang listahan ng mga bagay at problema na kailangan nilang malampasan bago nila naabot ang lahat ng mga ito. Tulad ng nasagap ko, dati raw ang tatay nito, nabaon sa napakalaking utang, muntikan pa raw mapaaway at mapatay dahil dito, at ito ay dahil sa pagnanais na makapag negosyo’t iahon sa kahirapan ang pamilya. Ngunit ngayon, hindi ba’t parang isa nang milyonaryo? Sponsor pa lagi yan sa mga events dito sa barangay.

Sa mga panahong ito, tuwing naririnig ko ang yawyaw ni Tita Irene, o kaya naman ay nangungutang ako ng sardinas kay ka-Arman, ito ang nagpapaalala sa akin sa mga kilalang salita ni Nietzsche: “That which doesn’t kill us makes us stronger.” Na ang mga pagsubok na dinaranas ng mga tao rito sa Kalye sa Binangan, tulad ng mga hamon sa negosyo at personal na buhay, ay nagiging daan upang sila’y lumakas at matuto. Tulad ng kwento ni Tita Irene at ka-Arman, bawat pag-akyat sa hirap at pagsusumikap ay nagbubukas ng mga oportunidad at nagpapalakas sa kanilang karakter, pinapatunayan na ang bawat pagsubok ay nagdadala ng mga aral at lakas sa kabila ng mga pagsubok.

Kasi ang buhay ay hindi isang fairy tale.

Ngunit huwag kang matakot; hindi naman ito horror, thriller lang.


Comments

Popular posts from this blog

Beach waves to City lights by Aliyah Barut

Aurora’s Serenity: A Journey to Reconnect with Nature By: Princess Helena G. Cruz

Four Destinations, One Adventure by: Althea Allyson Chua